Alamat ng Marikina

Isang araw, ang alkalde ng isang bayan na hindi pa napapangalanan ay nakahanap ng isang sanggol sa harapan ng pintuan niya. Pinangalanan niya ito na Alice. Noong bata palang si Alice ay may lagi pumupuntang bata sa bahay nila. Ang pangalan ng batang iyon ay si Oz. Pareho sila ng araw ng kapanganakan, Hunyo 17. Parati pag kaarawan ni Alice ay nandoon si Oz sa bahay, pero noong naging 15 na sila ay hindi na pumunta sa bahay nila si Oz. Noong naging 18 na si Alice ay nilibot niya ang bayan at napunta siya sa isang tindahan ng sapatos. At ang nagtitinda ng mga sapatos na iyon ay si Oz. Noong nagkita sila ulet ay napaibig sila sa isat-isa. Pag-naging 20 na sila ay dapat ikakasal na sila. Noong pang-20 nilang kaarawan ay hinanap ni Alice ang totoo niyang mga magulang para imbitahin sa kasal niya sa susunod na buwan. Noong nahanap na niya ay nalaman niya na patay nap ala ang magulang nila. Sa tabi ng libingan ng totoong magulang niya ay nakita niya ang isang maliit na puntod na nakalagay ay; “ang nawala nilang anak na si Maria Kristina.” Doon niya nalaman na ang totoo niyang pangalan ay Maria Kristina. Noong araw na ng kasal nila ni Oz ay handang-handa na si Oz. Noong pagpunta niya sa silid ni Alice ay wala siya doon. Ang nakita nalang nila a ang sapatos niya at sa tabi ng sapatos niya ay nakalagay; “Ang pangalan ko ay Maria Kristina.” Noong nakita nila iyon ay sinabi ng alkalde; “Bumalik na siya sa lugar na pinanggalinan niya.” Pero dahil alam ng alkalde na nagmamahalan talaga sina Oz si Alice ay ginawa parin niyang opisyal ang kasal. Pinangalanan niya ang bayan nila sa anak niyang si Alice. Pero ang ginamit niyang pangalan ay ang totoong pangalan ni Alice. Kaya ang naging pangalan ng bayan na iyon ay Marikina.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: